![]() |
Rufert John Lirio, Mocha Uson, and Ace Castro |
Tuloy na tuloy na! Wala ng makakapigil pa sa Premiere Night ng
pelikulang "Butas 2" ni Direk Bong Ramos sa UP Film Institute bukas
(Sabado, ika-9 ng Hunyo, 2012) sa ganap na ika-7 ng gabi.
Ito
ay sa kabila ng mga pagsubok at balakid na naranasan ng 21st Century
mula sa post-production hanggang sa mahigpit na pagpapatupad ng batas ng
MTRCB sa pamamagitan ng Legal Affairs Office nito.
Ang
Legal Affairs Office ng naturang ahensiya ay kagyat na nagbanta
kahapon, ika-7 ng Hunyo, ng pagsasampa ng kaso laban sa 21st Century at
sa Unibersidad ng Pilipinas kung hindi isasailalim ang naturang pelikula
sa pagsusuri ng Board.
Sa kabilang banda, nanindigan
ang 21st Century na itutuloy nito ang pagpapalabas sa naturang pelikula
dahil ito ay naianunsiyo na sa publiko.
Totoo kaya ang
mga haka-haka na lubhang maalab ang mga eksena sa pelikulang ito kung
kaya't ganoon na lamang kahigpit ang MTRCB dito?
Malalaman natin ang kasagutan sa katanungang iyan bukas sa pagsilip natin sa pelikulang Butas 2.
No comments:
Post a Comment