Inaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang Butas 2 ng WALANG CUTS.
Sa special review ng Board sa naturang pelikula noong Biyernes ng hapon, ang mga nag-review ay walang pinatanggal o pinaiksihan man lamang na frontal exposures at mga eksenang sekswal mula sa orihinal na bersiyon ng video na isinumite sa naturang ahensiya.
Ayon sa Executive Producer ng naturang pelikula, ang mga frontal exposure at mga eksenang sekswal ay ginawa ayon sa pangangailangan ng mismong eksena o kwento.
"Ang mga eksenang ito ay maayos at masining na naangguluhan ng kamera kung kaya ang pelikula ay hindi nakakabastos sa paningin ng mga manonood", ayon pa sa kanya.
No comments:
Post a Comment